Home » Post Item » Iyakin ka kasi!!
I'm sorry guys but I don't think I'll be updating this i.ph account any longer?

You see, I just missed blogger's templates, quick posting, and other features again. I guess, I just couldn't let go of it's awesome customization.

If you still wanna go after me though, please refer to this url ---> http://meisatsu.blogspot.com

Please visit me there :).

Iyakin ka kasi!!

September 12, 2006

These things happen….

*sigh*.. Why the hell did I cry for that spoiled milk?

Lol! (oo nga pala.. magtatagalog tayo ngayon!  first post in mostly tagalog.. wee…. *sigh*, sana ganun din ka saya ang content…)

Sa totoo lang, tingin ko hindi fair na isulat agad ni Sir na tardy ako dun sa attendance booklet. Gasp, inis na inis ako ngayon kina Philip. Sila kasi yung nagsabing wala ako sa chair ko pagpasok ng guro namin sa Math, kaya yun– gi-mark niya akong absent eh sa totoo naman, nandun lang ako sa faucet, umiinom ng tubig.

Mas nakakainis pa, di tinanggap ng guro namin yung paliwanag ko kaya yun, kinailangan kong kumuha ng tardy slip galing sa prefect. Hay.. pangalawang araw pa nga lang ng "Attendance Contest" eh, meron na namang kaming late. At sa hapon pa! Ako!

Ewan ko kung bakit, di ko rin maintindihan ang sarili ko kung minsan. Pero pagdating ko dun sa prefect, nang itanong ni Maam Aleman kung bakit ako na-late, bigla na lang ako napatunganga at umiyak. Di na tuloy siya nagalit (narinig ko kasing, strikto ang guro naming yun sa mga late).

Iyak ako nang iyak. Nagtanong nang konte si Maam Aleman kung bakit at sinabi ko sa kanyang minarkahan ako ng late ni Sir Albete. Di ko akalaing pagsisisihan ko pa sa huli yung mga impormasyong binigay ko sa kanya–kahit na naging ingat-ingat talaga ako sa pagpili ng mga sasabihin para hindi naman masisi ang guro naming -piglet- na yun (wala naman siyang atraso sakin eh..).

Matapos ang lahat ng mga asignatura sa hapon, nagpalipas muna ako nang oras sa klasrum namin at tumulong sa paglilinis. Wala pa kasi yung mga magiging kasama ko sa review namin sa NDEA and Marist Meets kaya nag-scrub muna ako sa klasrum. Maya2x, sinabi ni Philip samin na nakita niya raw na nag-uusap (o nagsisigawan) ang dalawa naming gurong sina: Mrs. Norma Aleman (English IV) at Mr. Damian Albete (Math IV). Marahil tungkol yun sa nangyari kaninang first period ni Sir sa hapon. Marahil.. tungkol rin yun sa luhaan kong pagpunta sa office ng prefect.

Sa totoo lang, ang saya ko nung marinig kong inaaway ni Maam Aleman si Sir Albete tungkol dun sa naging late ko kaninang first period. Di ko kasi matanggap sa mga panahong iyon, na ayaw tanggapin ni Sir ang excuse kong pag-inom ng tubig. Sa isip ko: Kasalanan ko bang na-late siya ng konte sa klase at di niya ako naabutan? Kasalanan ko bang nagseselos na naman yung mga taong nakaupo sa harapan ko kaya pagkatanong ni Sir kung sinong absent, ako agad ang pinuna nila? As in, naiinis talaga ako nun. Naiinis akong ayaw niyang magbigay man lang ng panandaliang excuse. Gaano ba ako kadalas maging late para di niya bigyan ng kahit anong amnesty? Hindi naman sa gusto kong maging espesyal na estudyante, pero ang OA niya naman. Late agad! Eh andun naman talaga ako eh! nakakainis!

Di ko na sasabihin kung sino pero may nakapagsabi rin sakin na marahil ganun na lang ang ka-striktuhan ni Sir sa mga late dahil gusto niyang ang section niyang: St. Matthew, ang manalo sa Attendance Contest. Di naman ata yun fair!

*sigh*.. Yun ang mga iniisip ko nung una.

Kaya, ang saya ko nung malamang, kinokorekt siya ni Maam Aleman. Pero grabe talaga ang naging consequence ng pag-iyak iyak kong yun at pagpapaliwanag ko kanina. Hay.. malas naman.

Ilang sandali ang nakalipas, at biglang dumating si Sir Albete sa klasrum namin. Umupo siya sa teacher's table ng klasrum namin. Pawis na pawis ako sa pag-su-scrub nang sabihan niya akong lumapit. Nagalit siya sakin. Sinabi ko raw kay Maam Aleman na siya yung na-late sa klase. Hindi ko raw yun sinabi sa kanya! Ang sabi ko, sinabi ni Sir na 12:50 na nung dumating ako sa klasrum. Pero sa isip ko rin, tingin ko na-late nga talaga si Sir. Narinig ko kasi sa isang klasmeyt ko na 12:45 na nung dumating si Sir. Nga lang, nag-joke-joke pa sila kaya yun, mga 12:50 pa niya napansing nawawala ako. Pero wala talaga akong directang sinabi na na-late nga si Sir sa klase namin.

Sa tingin ko aware rin naman si Sir na na-late siya kaya gi-try niya ang ibang stratehiya. Gi-re-enlighten niya ako sa polisiya niya na dapat pagpasok niya sa klase, nasa naiatang na mga upuan kami kung hindi, i-ma-mark niya kami ng absent. Kung lalabas man kami, dapat magpaalam. Di na ako nakaimik dahil alam ko naman ang tungkol sa polisiyang iyon. Malabo na sakin ang mga sumunod na pangyayari. Pero ewan ko, napaiyak na naman ako at nagsimulang mag-scrub na lang uli, papalayo. Hindi ko man lang napansin na umalis na pala si Sir.

Lumapit ang ilan kong mga kaklaseng babae para mag-comfort sakin. *sigh*.. patawad po, iyakin ako. Yun attribute kong yun talaga ang nagpalala sa sitwasyong ito kung tutuusin. Naikwento sakin ng isa kong kaibigan yung tungkol sa pagkalat ng balitang, 'pagka-unfair ni sir sa attendance.' hay. ang bilis talagang kumalat ng tsismis. Marahil nadungisan yung pangalan ni Sir Albete kaya galit na galit talaga siya sakin kanina.

Ayoko ng ganito. Ang ikinakatakot ko pa, baka di nako makakataas ng greyds sa asignatura niya kung magkakaroon ng masamang aura sa pagitan namin. Guro ko pa naman siya sa Math (-my most hated subject). Naku.. honor pa naman ako.. baka bumaba ang standing ko sa listahan dahil sa insidenteng ito.

*sigh*. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko na naman. Stupid Ashen, ba't ka umiyak?! Tuloy, na exaggerate ni Maam Aleman yung pangyayari at kinausap ng masisinsinan si Sir Albete. Tuloy, mas lalong lumala ang problema!

Iyakin talaga ako mula pa pagkabata. Spoiled milk, iniiyakan ko.

Ewan ko nga ba. At some point, naiisip ko ngang part sa reason kung bakit ako umiiyak kanina ay ang di ko pag-iyak sa kawalan ng pag-asa sa crush kong si Q. Marahil na surpress ang sorrows ko for his loss, kaya nung nagkaroon ng pagkakataong maaring magbunsog ng ilang luha mula sa aking mga mata, bumuhos ang sama ng loob.

Hay… ang malas naman. Dalawang teacher na ngayon ang proproblemahin ko. Si Sir Albete (na dinungisan ko ang pangalan) at si Maam Aleman (na pinahiya ko kay Sir Albete). Hay…

Ang malas naman.. di to magandang start sa 2nd grading…

Hay!!! Ang malas ko naman!! Iyakin…!!!

*sniff-sniff* Ba't nga ba wala akong crying smiley sa mood folder ko sa Photobucket…

Posted by reishin at 8:53 pm | permalink

Add a comment