Home » Archives » 06. February 2007
I'm sorry guys but I don't think I'll be updating this i.ph account any longer?

You see, I just missed blogger's templates, quick posting, and other features again. I guess, I just couldn't let go of it's awesome customization.

If you still wanna go after me though, please refer to this url ---> http://meisatsu.blogspot.com

Please visit me there :).

Daydreaming is bad for your health.

February 6, 2007

— My conclusion to what’s been going on in my head nowadays.

I can’t stand it anymore! Bakit ba ganito na lang lagi ang iniisip ko
pagdating ko galing sa school?
Lagi na lang akong nangangarap na may mangyayaring maganda, lagi na lang ako
umaasa sa wala—katangahan talaga kung tutuusin pero bat ginagawa ko pa
rin?

Hay.. siguto ito ang epekto sakin ng araw ng mga puso. Habang tinitingnan ko
ang pulang papel na hugis pusong nakasabit sa sa kaliwa ko napapansin kong
ni pangalan ko lamang ay di nakasaad dun. Katangahan talagang umasa sa taong
meron ng iba—at alam kong, ayoko nang maging tanga :( .

Bukas ng tanghali magkakaroon ang YFC ng ‘household’ simula ng 11:40
hanggang 12:40. Magtitipon-tipon raw ang lahat ng mga YFC sa high school at
pamumunuan ang aming ‘household’ na yun ni Kuya Andy :) . Makikilala ko na
rin ang mga kapwa ko YFC. Nais ng mga nag-organize ng meeting na yun na
mapag-usapan ang tungkol sa nalalapit na malaking pagtitipon ng mga YFC sa
North Cotabato (patawad, nakalimutan ko ang mga detalye). Na-gi-guilty akong
isiping ang punot-dulo ng nais kong pagdalo sa household bukas ay ang
pag-asang naroon ang minahal ko nung elementary. Ang taong matalino, mabait
at laging nakangiti na nagustuhan ko sa aking kabataan. Hay… may parte ng
pagkatao kong labis ang paghiling na muli siyang makita ngunit may isa ring
bahaging nagsasabing masasaktan lang ulit ako kaya wag na lang sana siya
sumipot.

Sinasabi ng ilan kong kaklase na mayabang ako. Tama naman sila, pero
pagdating sa mga asignaturang ganito nanliliit ako. Di ko ito gustong
pag-usapan dahil alam kong di naman ako kagandahan para magustuhan nino man.
Kanina nga lang nagsumbatan na naman kami ni Bo at nung tinanong ng isang
kapwa kaklase namin kung kami raw ba ang magiging magka-partner sa prom,
sinabi kong “mas gugustuhin ko pang maging kapartner ang aso” (aso to me =
q). Sinumbatan naman ako ni Bo na ayaw niya ring ako ang makapartner niya,
ay yabang ko raw kasi at lagi ko siyang minamaliit (di nako magdadahilan,
alam ko naman mali ang ginawa ko. Tatahimik na lang siguro ako sa susunod
kapag nariyan siya). Marahil ako lang sa amin ang inisip na mabuti yun.
Gusto ko talaga ng mga aso eh. Sila ay loyal, nakakatuwa at laging masaya
pag nakikita ang kanilang amo. Ayon rin sa aking Zodiac sign na Horse,
nababagay ako sa isang taong pinanganak sa taon ng mga Aso (tulad na lang ng
aking ama).

Di talaga ako magaling magtagalog. At ngayong mga araw ito na marahil ang
aking ikatatlong attempt na mag-post. Kapag binabasa ko kasi ang aking
nagawang sulatin, di ko maiwasang isipin—ganito na ba kalala ang grammar
ko? Bakit pati ako mismo, di ko maintindihan ang post ko?

Siguro epekto lamang ito ng paglipas ng panahon. Araw ng mga puso, araw ng
mga puso—minsan hinihiling kong di na lang sana ako tumaba at naging
chubby para di naman ako mangulila o naunahan ng iba sa taong gusto ko. O
kay hirap naman magkagusto sa cute–ang malas. Hay… nagsasawa nakong
maging tanga, masarap matulog. Gagawin ko na lang ang mga requirements ko
para di ko na sila isipin. :(

Posted by reishin at 8:47 pm | permalink | comments[2]

Nakakainis maging estudyante

Ayoko na, sawa nakong mangarap ng gising! :(

Lagi na lang ganito ang iniisip ko tuwing umuuwi ako ng bahay galing sa school at nagsisimula na naman isipin ang tungkol sa mga iniibig ko. Hay, nakakainis naman, ang malas. Normal lang siguro ito para sa iba pero para sakin, ayoko na. Lagi na lang nasasayang ang oras ko—mabuti nga at ilang minuto matapos akong mangarap ay inaantok ako nakakatulog na lang (tulad na lang ng nangyari kanina).

Hay… ito lang siguro ang epekto sakin ng Araw ng mga Puso, may toyo na ata ang utak ko. *_*

Posted by reishin at 4:55 am | permalink | Add comment